![]()
Dumarami ang mga kaso ng eye irritation dahil sa polusyon, allergens, at labis na paggamit ng mga digital na device.
Ayon sa Department of Health, ang eye irritation ay karaniwang nararanasan bilang pamumula, pangangati, pagluha, at pananakit ng mata.
Maaaring ito dulot ng alikabok, usok, pollen, o matagal na pagtutok sa screen ng cellphone at computer.
Ipinapayo ng mga doktor na iwasan ang pagkuskos ng mata dahil maaari itong magpalala ng iritasyon at magdulot ng impeksyon.
Sa halip, hugasan ang mga kamay at gumamit ng malinis na tubig upang banlawan ang mata kung may napasok na dumi o particles.
Mahalaga rin ang pagpapahinga ng mata, lalo na sa mga taong matagal na nakatutok sa screen.
Inirerekomenda ang 20-20-20 rule. Tumingin sa malayo ng 20 segundo upang mabawasan ang eye strain.
Kung ang iritasyon ay tumatagal o may kasamang matinding sakit, pamamaga, o malabong paningin, agad na kumonsulta sa doktor dahil maaari itong senyales ng mas malubhang kondisyon tulad ng Conjunctivitis.
Ang tamang pangangalaga sa mata at pag-iwas sa mga sanhi ng iritasyon ay mahalaga upang mapanatili ang malinaw at malusog na paningin.