![]()
Pinapayuhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang flying public, airline operator, general aviation operators, at lahat ng concerned aviation stakeholders hinggil sa paghihigpit sa airspace na ipinatupad para sa flying safety kasunod ng pagsabog ng bulkang Mayon.
Batay sa NOTAM na inilabas ng CAAP ang lahat ng sasakyang panghimpapawid ay hindi pinapayagang dumaan mula 11,000 feet sa loob ng 6 kilometers radius mula sa tuktok ng Bulkang Mayon.
Ang hakbang na ito bilang pag-iingat dahil sa mga potensyal na panganib dulot ng abo ng bulkan na maaaring makaapekto sa makina ng eroplano at navigation system.
Pinapayuhan ang lahat ng airline operator, piloto, dispatcher, at aviation stakeholder na makipag-ugnayan sa Air Traffic Services at subaybayan ang mga official update bago mag-operate sa mga apektadong lugar.
Patuloy na minomonitor ng CAAP ang sitwasyon sa pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng air navigation.
