dzme1530.ph

MAHIGIT 91K INDIVIDUALS, APEKTADO NG ASH FALL MULA SA BULKANG MAYON, AYON SA ALKALDE NG GUINOBATAN

Loading

Aabot sa 26,654 pamilya o 91,225 indibidwal sa iba’t ibang bahagi ng Albay ang naapektuhan ng ashfall mula sa Bulkang Mayon.

Pahayag ito ni Guinobatan Mayor Ann Gemma Ongjoco, sa gitna ng nagpapatuloy na clearing operations at napaulat na pagkamatay ng mga hayop sa bayan ng Camalig.

Sinabi ni Ongjoco na 41 barangay ang binalot ng abo na nakaapekto sa araw-araw na pamumuhay ng mga residente.

Tatlong barangay lamang umano ang hindi naapektuhan ng ashfall, subalit ipinag-utos pa rin ang evacuation.

Inihayag naman ni Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV ng Office of Civil Defense na mayroong ibinigay na fuel assistance sa mga fire truck upang mapabilis ang clearing efforts.

About The Author