![]()
Inaprubahan ng Malacañang ang hiling ni Vice President Sara Duterte na baguhin ang petsa ng kanyang pagbiyahe sa labas ng bansa.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, naglabas ng travel authority ang Malacañang para kay Duterte mula May 2 hanggang 15 para sa kanyang biyahe sa The Netherlands, South Korea, Belgium, Germany at United Kingdom.
Binigyang-diin na walang gastos ang gobyerno sa biyaheng ito ng Bise Presidente, na naka-leave din sa mga panahong wala siya sa bansa.
Hiniling ni Duterte sa Malacañang na baguhin ang naunang travel authority dahil “last minute” aniya ang approval sa kanyang biyahe abroad.
