![]()
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang tulong ng gobyerno sa mga komunidad na apektado ng ashfall mula sa Bulkang Mayon, partikular sa Guinobatan at Camalig, Albay.
Inatasan ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways na agad alisin ang mga abo sa major roads at tiyakin ang ligtas at tuloy-tuloy na pagbiyahe ng mga residente at emergency responders.
Samantala, agad na namahagi ng N95 masks at nag-deploy ng mobile clinics ang Department of Health upang maagapan ang mga may respiratory concerns.
Nagtayo rin ng water stations ang DOH sa lugar.
Nagsagawa naman ng water spraying at ash clearing operations ang Bureau of Fire Protection.
Habang ang Department of Social Welfare and Development ay namamahagi na ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga pamilya sa evacuation centers.
