![]()
Ngayong Araw ng mga Manggagawa binati ni Cavite Cong. Jolo Revilla ang buong puwersa ng paggawa sa bansa.
Sa video message ni Revilla, chairman ng House Committee on Labor and Employment, binigyan-pugay nito ang sektor ng paggawa na tinawag niyang “haligi ng ekonomiya ng bansa.”
Binigyan-halaga nito ang pagsusumikap ng bawat obrero para buhayin ang pamilya sa kabila ng sobra-sobrang pagsubok na pinagdaraanan.
Aminado si Revilla na malaking dagok sa pamilyang Pilipino ang krisis na tumama sa Pilipinas dahil sa Middle East crisis, pero kasama umano ang DOLE, nagsisikap sila na tugunan ang pangangailangan ng mga manggagawa.
Narito ang buong mensahe ni Revilla sa mga manggagawa.
