![]()
Nagtipon-tipon ang iba’t ibang workers’ groups para sa kilos-protesta ngayong araw na ito bilang pagdiriwang ng Labor Day.
Ipinanawagan ng mga manggagawa ang mas mataas na sahod, ibaba ang buwis, job security at iba pang mga kahilingan.
Nagkita-kita ang iba’t ibang grupo sa Welcome Rotonda sa boundary ng Quezon City at Maynila.
Nagmartsa ang mga grupo patungong Mendiola upang iparating kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang mga panawagan.
Iginiit ng mga manggagawa na panahon na nang magkaroon ng living wage at dagdagan ang mga benepisyo.
Mahigpit naman ang pagbabantay ng mga awtoridad sa seguridad upang matiyak na maayos ang aktibidad.
