dzme1530.ph

DAGDAG SAHOD, PAG-AALIS NG VAT AT EXCISE TAX AT PAG-ARESTO SA MGA CORRUPT OFFICIALS, SIGAW NG MGA MANGGAGAWA SA LABOR DAY

Loading

Limang punto ang ipinapanawagan ng mga miyembro ng Trade Union Congress of the Philippines o TUCP sa kanilang kilos-protesta ngayong Araw ng Paggawa.

Sa panayam ng DZME, Radyo TV, sinabi ni TUCP spokesperson Carlos Miguel Oñate, welga ang panawagan na kumakatawan sa kanilang hiling na dagdag sahod, pag-aalis ng E-VAT at excise tax, pagbubuwis sa sobrang yaman, abot-kayang presyo at pag-aresto sa mga kurakot.

Umaapela naman si Oñate sa Kongreso na sa pagbabalik sesyon ay talakayin na ang mga panukala para sa pagtaas ng minimum wage.

About The Author