dzme1530.ph

PBBM, NANGAKONG ITATAGUYOD ANG BANSANG NAGPAPAHALAGA SA SIPAG NG MGA MANGGAGAWA

Loading

Muling nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itataguyod ang isang bansa kung saan pinapahalagahan ang sipag ng mga manggagawa at magkakaloob ng oportunidad sa lahat.
 
Sa kanyang mensahe ngayong Labor Day, kinilala ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga manggagawang Pilipino na anya patuloy na humuhubog sa kinabukasan ng bansa.
 
Nangako rin ang Pangulo na paiigtingin ang mga hakbang upang mapangalagaan ang kabuhayan, igalang ang marangal na paggawa at tiyaking maaabot ng karaniwang pamilya ang tagumpay.
 
Binigyang-diin ni Marcos na sa kabila ng pag-unlad sa teknolohiya at mga reporma sa industriya, nananatiling ang lakas sa paggawa ng bansa ang pangunahing nagtutulak sa pag-unlad ng bansa at maging ng global economy.

About The Author