![]()
71% o 7 out of 10 Filipinos ay kontento sa performance ng mga district representatives.
‘Yan ay ayon sa nationwide survey ng WR Numero Research nitong March 2026 Philippine Public Opinion Monitor.
Ayon kay Deputy Speaker Jay Khonghun ng Zambales, positibo ang survey na ito dahil ang mga nasa grassroots ay kontento sa trabaho ng kanilang mga kinatawan.
Sa survey ding ito, pinakita ang 35% “good” o “mahusay” na pamumuno ni Speaker Faustino Bojie Dy III at Majority Leader Sandro Marcos, habang may 30% ang undecided at 35% dissatisfied.
Sa pananaw ng mga analysts, ang “institutional ratings” ng Kongreso ay kadalasan bunsod ng “broader political dev’t” at national issues, samantalang ang “district-level satisfaction” ay nakasentro sa “on-the-ground delivery” ng services gaya ng medical at financial assistance, infrastructure support, at community programs.
Sa survey, 71% ang nagsabi na mahusay ang trabaho ng kongresista, 13% ang hindi sigurado, 6% hindi niya kilala, at 10% hindi mahusay.
Para kay Khonghun, malinaw ang mensahe ng survey, pinahahalagahan ng tao ang kung ano ang kanilang nakikita sa komunidad, na kadalasan kongresista ang may dala.
