dzme1530.ph

PNP, NAKA-FULL ALERT PARA SA PAGDIRIWANG NG LABOR DAY BUKAS

Loading

Inilagay ng PNP ang lahat ng kanilang tanggapan at units sa buong bansa sa full alert status, simula ngayong Huwebes upang matiyak ang kaligtasan at seguridad sa mga gagawing aktibidad na may kinalaman sa Labor Day bukas.

Sa press briefing, sinabi ni PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Randulf Tuaño, na epektibo ang full alert status hanggang 12:01 ng madaling araw sa Sabado.

Aniya, mananatili ang kanilang deployment sa mahigit 106,000 personnel.

Sa ilalim ng full alert status, lahat ng units at personnel ay inatasang panatilihin ang maximum readiness para gampanan ang kanilang duties.

Ia-activate din ang support forces at required ang mandatory coordination sa mga units upang masiguro ang epektibong operasyon.

Sa ngayon ay wala namang namonitor na banta ang mga awtoridad kaugnay ng pagdiriwang ng Labor Day.

About The Author