dzme1530.ph

SENADO, TINIYAK NA FORTHWITH PA RIN ANG MAGIGING PAGKILOS SA IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY VICE PRESIDENT SARA DUTERTE

Loading

TINIYAK ni Senate President Vicente Tito Sotto III na aaksyunan pa rin nila forthwith ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte sa sandaling maiakyat na ito sa Senado.
 
Sa kabila ito ng naging paglilinaw ng Korte Suprema sa terminong “forthwith” sa Konstitusyon.
 
Ayon kay Sotto, tama naman ang naging paglilinaw ng Korte Suprema sa termin sa pagsasagawa ng impeachment trial ng Senado.
 
Iginiit ni Sotto na hindi naman maaaring pilitin ang co equal branch na gumawa ng anumang bagay na nasa loob ng saklaw ng kanilang trabaho
 
Tama lang din anya ang nakalagay na definition ng salitang forthwith sa dictionary na “without delay”
 
Maging si dating Senator Koko Pimentel ay nagsabi na matagal ng nasa legal dictionary ang ginawang paglilinaw ng Korte Suprema ukol sa termiong forthwith
 
Sa ngayon ay may mga inisyal ng paghahanda ang liderato ng Senado sa posibleng pagsasagawa ng impeachment trial sakaling tuluyang madala sa Senado ang Articles of Impeachment.

About The Author