dzme1530.ph

LIFELINE RATE SA KURYENTE, PINASUSUBSIDIYA SA GOBYERNO

Loading

INIREKOMENDA ni Senate PROTECT Committee Chairman Sherwin Gatchalian na sagutin na lamang ng pamahalaan ang lifeline subsidy o ang subsidiya sa kuryente na binibigay sa mga mahihirap na pamilya sa bansa.
 
Ipinaliwanag ng Energy Regulatory Commission na nasa 1 centavo lang ang lifeline subsidy na nakapaloob sa electric bill ng mga consumer.
 
Sinabi ni Gatchalian na sa ngayon ay nasa 135,000 lang ang mga indigent families na nabebenepisyuhan ng lifeline subsidy at katumbas ito ng P8 million kada buwan.
 
Kaya naman iginiit ng senador na sagutin na ng gobyerno ang pondo na tinatayang aabot ng higit P80 million kada taon.
 
Maliit lang aniya ito kumpara sa P63 billion kada taon na pondo para sa AICS program.

About The Author