![]()
Tiniyak ng pamahalaan sa publiko na walang pagbabago sa presyo ng basic necessities at prime commodities hanggang sa May 10.
Sinabi ni Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Undersecretary Joseph Capuno, na ang price stability commitment na ni-relay ng Department of Trade and Industry (DTI) ay bahagi ng coordinated interventions.
Bahagi anya ito ng UPLIFT o Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transportation Program upang mapigilan ang inflationary pressures.
Inihayag ni Capuno na ang hakbang ay dinagdagan pa ng pinaigting na monitoring sa presyo ng pagkain, gamot, at mga pangunahing bilihin upang maiwasan ang hindi makatwirang pagtaas ng presyo sa gitna ng global supply disruptions.
