dzme1530.ph

ALAMIN ANG BENEPISYO SA KALUSUGAN NG VITAMIN SEA O DAGAT

Loading

Ang hangin malapit sa dagat ay mas malinis at mayaman sa negative ions na nakakatulong sa pagpapabuti ng paghinga at pagpapalakas ng baga.

Nakakatulong din ito sa pagbawas ng stress at pagpapakalma ng isip.

Ayon din sa mga eksperto, ang paglangoy sa dagat ay isang mabisang uri ng ehersisyo na nakakatulong sa pagpapalakas ng mga kalamnan at puso.

Dahil sa natural na galaw ng alon, mas napapagana ang iba’t ibang bahagi ng katawan.

Bukod dito, ang tubig-dagat ay mayaman sa mga mineral tulad ng magnesium at potassium na maaaring makatulong sa kalusugan ng balat.

Maaari rin itong makatulong sa paglinis ng mga sugat at pagbawas ng ilang iritasyon sa balat.

Ang paglalakad naman sa buhangin ay nakakatulong sa pagpapalakas ng mga kasu-kasuan at pagpapabuti ng balanse ng katawan.

Ito ay isang natural na paraan ng pag-eehersisyo na hindi masakit sa mga paa.

Nakakatulong din ang pagpunta sa dagat sa mental na kalusugan.

Ang tanawin ng karagatan at tunog ng mga alon ay nakakapagbigay ng relaxation at nakakabawas ng pagkabalisa at pagod.

Gayunman, pinapayuhan ng mga eksperto ang publiko na mag-ingat sa matinding init ng araw at tiyaking gumamit ng proteksyon tulad ng sunscreen upang maiwasan ang masamang epekto ng sobrang bilad sa araw.

About The Author