![]()
Binuwag ng Marikina City local government, sa pamumuno ni Mayor Maan Teodoro, ang extortion scheme sa City Hall, kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang administrative aides.
Dinakip ng mga awtoridad ang 38-anyos na babae at 59-anyos na lalaki sa isang entrapment operation sa Barangay Fortune.
Nahuli ang dalawang suspek matapos umanong tumanggap ng P5,000 na marked money mula sa isang negosyante habang sakay ng isang government-issued vehicle.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek na nahaharap sa mga kasong robbery-extortion, coercion, at paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Nag-ugat ang entrapment operation sa reklamo ng isang negosyante kaugnay ng umanoy iligal na paniningil na may kinalaman sa pagproseso ng permit.
Muling iginiit ni Mayor Teodoro ang paninindigan ng lokal na pamahalaan laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan at tiniyak ang buong dedikasyon nito sa pananagutan at transparency.
