dzme1530.ph

BCDA, NAKAPILI NA NG JOINT VENTURE PARA SA RUNWAY PROJECT SA CLARK INTERNATIONAL AIRPORT

Loading

Napili ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang joint venture ng Schema Konsult Inc. at Yooshin Engineering Corp. para sa 206.9-milyong pisong detailed engineering design ng second runway ng Clark International Airport (CRK).

Ayon sa BCDA, target makumpleto ang design phase sa second quarter ng 2027, at pagkatapos nito ay magkakaroon ng hiwalay na bidding process para sa construction.

Ang bagong runway ay inaasahang magiging operational pagsapit ng fourth quarter ng 2029.

Sinabi ni Joshua Bingcang na ang pagtatayo ng second runway ay mahalagang hakbang para palakasin ang operational resilience ng CRK at long-term capacity.

About The Author