![]()
Dalawampu’t tatlo na mga bata ang dinukot ng armadong kalalakihan matapos salakayin ang isang unregistered orphanage sa Kogi State, Nigeria.
Ayon sa information commissioner ng Kogi, nasagip ang 15 na mga bata bunsod ng mabilis at coordinated response ng security agencies.
Walo pang bata ang nananatiling nawawala, kasunod ng pag-atake sa ampunan, kung saan maging ang may-ari ng pasilidad ay kinidnap din.
Wala pang grupo ang umaamin sa krimen, sa gitna ng talamak na pagdukot sa Nigeria kapalit ng ransom.
