dzme1530.ph

HOUSE JUSTICE COMMITTEE, ALL SET NA PARA SA “FINAL HEARING” NG IMPEACHMENT NI VP SARA BUKAS

Loading

All set na ang House Committee on Justice para sa “final hearing” ng impeachment ni Vice President Sara Duterte bukas, April 29.

Huling isasalang bago i-determina kung may probable cause ay ang isyu ng “kill threat” ni VP Sara kina Ferdinand Marcos Jr., Liza Araneta Marcos, at Martin Romualdez.

Itinuturing ding ‘pivotal’ ang hearing bukas dahil sesentro ito sa “most direct at personal allegations” sa Bise Presidente.

Inaasahang ipipresenta ni Melvin Matibag ang findings ng isinagawang imbestigasyon sa assassination threat na nangyari noong November 2024.

Itinuturing ng mga kongresista na ang planong asasinasyon ay nagko-constitute ng “high crime” na hindi dapat maliitin.

Bukod sa “kill threat,” magdedesisyon din ang komite kung bubuksan o hindi ang box na naglalaman ng Income Tax Returns (ITRs) ni VP Sara at asawang si Atty. Manases Carpio.

Una nang sinabi ni Committee on Justice Chairperson Gerville Luistro na pagbobotohan na rin kung ang 3rd at 4th impeachment complaint ay may probable cause o wala.

About The Author