dzme1530.ph

PISO, SUMADSAD SA PANIBAGONG HISTORIC LOW KONTRA DOLYAR SA INTRADAY TRADING

Loading

Bumagsak ang piso sa panibagong historic low sa trading kaninang umaga, kung saan halos sumadsad ito sa ₱61 per dollar mark.
 
Bunsod pa rin ito ng global uncertainties dulot ng nagpapatuloy na giyera sa Middle East.
 
Pumatak sa intraday low na ₱60.97 per dollar ang local currency matapos magbukas sa ₱60.8 per dollar.
 
Nalampasan nito ang pagsasara kahapon na ₱60.71 per dollar.
 
Iniugnay ni Michael Ricafort, chief economist ng Rizal Commercial Banking Corporation, ang paghina ng piso sa kakulangan ng progreso sa negosasyon sa pagitan ng US at Iran, at ang patuloy na pagsasara sa Strait of Hormuz.

About The Author