dzme1530.ph

MRT 3 AT LRT 2, MAY LIBRENG SAKAY PARA SA MGA LABORERS SA MAY 1

Loading

Magkakaloob ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 at Metro Rail Transit Line 3 sa pagdiriwang ng Labor Day sa May 1, araw ng Biyernes.

Ayon sa Department of Transportation at Light Rail Transit Authority administration, ang kanilang libreng sakay program ay pagkilala sa dedikasyon at kontribusyon ng mga manggagawa sa pag-unlad ng bansa.

Magsisimula ang free rides sa MRT-3 at LRT-2 mula 7AM hanggang 9AM at 5PM hanggang 7PM sa Labor Day.

Kailangan lamang ipakita ng mga manggagawa ang kanilang valid company ID para maka-avail ng free train service.

Hinikayat naman ang mga commuters na planuhin ang kanilang byahe upang maiwasan ang pagsisiksikan sa peak hours.

About The Author