dzme1530.ph

REFUND NG MERALCO SA MGA CONSUMERS, BITIN PA RIN, AYON SA ISANG SENADOR

Loading

BITIN o kulang pa ang ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission na P14.7 bilyon na refund sa Meralco dahil barya lang ito sa totoong dapat matanggap ng consumer.
 
Ito ang inihayag ni Senador Risa Hontiveros kasabay ng pagdiriin na P100 bilyon ang dapat na ibalik ng Meralco sa overcollections.
 
Sa katunayan, ayon kay Hontiveros, hindi pa nga ito bagong refund scheme dahil ang P14.17B na ito ay parte ng hindi pa naibabalik na balanse mula sa P19.96 billion refund na nauna nang iniutos noong 2025.
 
Ibig sabihin anya matagal nang may perang dapat bumalik na hanggang ngayon ay hinihintay pa rin.
 
Bawat araw anyang hindi naibabalik ng Meralco ang sobra nilang nasingil, nag-aadjust ang tao sa mga gastusin sa bahay.
 
Kaugnay nito, hinimok ni Hontiveros ang ERC na magsagawa ng independent at komprehensibong review ng mga polisiya at ipinatutupad na rates ng Meralco.

About The Author