![]()
Nanindigan si House Committee on Justice chairperson Rep. Gerville Luistro na wala silang nilabag na batas sa pag-disclose ng AMLC findings sa kanilang imbestigasyon.
Ani Luistro, ang isinampang kaso ni Atty. Manases Carpio sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa mga mambabatas at financial regulators ay bahagi lamang ng ‘defense legal playbook’ pero wala itong epekto sa trabaho ng komite.
Attempt umano ito ng Duterte camp para i-supress ang disclosure ng mga impormasyon galing sa AMLC.
Maingat umano sila sa komite sa mga desisyon at tinitimbang at pinakikinggan ang bawat legal opinion.
Muling nilinaw ni Luistro na hindi bank records ang kanilang sinubpoena , kundi ang inirereport sa AMLC na covered at suspicious transactions.
Aniya, ang ipinaglalaban ng impeachment process ay mandate of accountability mechanism sa Konstitusyon, kaya naman ang confidentiality rules ay dapat inuunawa kasabay ng constitutional exceptions, lalo na sa impeachment cases kung saan ang public accountability ay napakahalaga.
