![]()
Nag-isyu na ang Sandiganbayan Sixth Division ng precautionary hold departure order laban kay Senador Francis Chiz Escudero at sa negosyanteng si Maynard Ngu.
Ang dalawa ay kabilang sa mga personalidad na iniimbestigahan sa umano’y plunder, graft at indirect bribery kaugnay sa flood control mess.
Inatasan ng Sandiganbayan 6th Division ang Bureau of Immigration na pigilan ang posibleng pag-alis ng bansa nina Escudero at Ngu at isama sila sa hold departure list.
Ang kautusan ay batay sa hiling ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla makaraang kumpirmahin na inihahanda na nila ang paghahain ng kasong plunder laban kay Escudero at maging kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Una nang inihayag ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na 20 percent ng 800 million pesos o katumbas ng 160 million pesos para sa proyekto sa Valenzuela City ang ibinigay niya kay Ngu.
Ito umano ay para kay Escudero na agad namang itinanggi ng senador.
