dzme1530.ph

CHAIRMAN’S REPORT KAUGNAY SA IMBESTIGASYON SA FLOOD CONTROL MESS, MAGIGING TULAY SA PAGPAPATULOY NG PAGDINIG

Loading

NANGAKO si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson na ilalatag niya sa pagbabalik ng sesyon sa susunod na linggo ang progress report kaugnay sa imbestigasyon sa mga umano’y anomalya sa flood control projects.
 
Sinabi ni Lacson na ang chairman’s report ay magbibigay-daan sa pagpapatuloy ng pagdinig sa anomalya.
 
Kasabay nito, tiniyak niyang magpapatuloy siyang mangalap ng mga lagda para sa binuo niyang partial committee report.
 
Ito ay sa kabila ng pagpapaliwanag ni Lacson na sa sandaling mailatag nya ang chairman’s report sa pamamagitan ng privilege speech ay hindi na niya kailangang konsultahin ang kanilang mga miyembro.
 
Isusumite rin anya nya sa Ombudsman ang report na maglalaman ng kanilang rekomendasyon para mapakinabangan sa paghahain ng kaso.

About The Author