dzme1530.ph

MILLGATE PRICE NG ASUKAL, BUMAGSAK NA NG 30 PERCENT DAHIL SA IMPORTASYON

Loading

HALOS 30 percent na ng millgate ng asukal ang ibinagsak dahilan upang malagay sa alanganin ang kita ng mga magsasaka.
 
Ito ang inihayag ni Senador Imee Marcos bunsod ng desisyon ng Sugar Regulatory Administration na magpasok ng imported na asukal kahit may sapat namang suplay ang bansa.
 
Ayon pa sa ilang magsasaka sa Negros Island Region, mas binibili ngayon ang imported na asukal dahil higit na mababa ang presyo nito kumpara sa lokal.
 
Sa datos, October 2024 nasa P2,801 ang millgate price ng asukal na bumagsak sa P2,500 noong August 2025; P2,350 noong October 2025 at bumaba pa sa P2,267 ngayong buwan.
 
Panawagan ni Marcos na umaksyon agad ang gobyerno sa pamamagitan ng pagtigil ng importasyon ng asukal.

About The Author