dzme1530.ph

MGA AHENSYA NG PAMAHALAAN, INATASANG BAWASAN ANG MGA GASTUSIN SA GITNA NG KRISIS SA LANGIS

Loading

Ipinag-utos ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga government agencies na bawasan ang kanilang gastos at ipagpaliban ang piling mga proyekto.

Ito ay upang makalikom ng pondo na magsisilbing proteksyon laban sa epekto ng kaguluhan sa Middle East.

Batay sa National Budget Circular No. 602, inatasan ng DBM ang state entities na magpatupad ng economy measures kasunod ng deklarasyon ng national energy emergency noong Marso.

Saklaw ng DBM circular ang lahat ng departments, agencies, at operating units ng national government, kabilang ang state universities and colleges, pati na ang government-owned and -controlled corporations na tumatanggap ng pondo sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act.

Ang mga opisina namang may autonomy, kabilang ang legislative at judicial branches, constitutional commissions, at local government units ay hinikayat na magpatupad ng kaparehong mga hakbangin.

About The Author