![]()
PANAHON na upang paharapin ng Senate Blue Ribbon Committee sa pagdinig kaugnay sa mga anomalya sa flood control projects si dating House Speaker Martin Romualdez.
Ito ang iginiit ni Senador Rodante Marcoleta kasabay ng panawagan kay Senate President pro-tempore Ping Lacson na magtawag na agad ng pagdinig.
Ito’y kaugnay na rin sa video message ni Romualdez kung saan inihayag niya na hindi siya ang mastermind ng maanomalyang flood control projects.
Iginiit ni Marcoleta na matapos gumawa ng public statement si Romualdez ay higit na may dahilan para magpatawag na ng pagdinig kaagad lalo’t napa-freeze na ng Court of Appeals (CA) ang mga assets ng dating Speaker.
Binigyang-diin ni Marcoleta na malinaw na handa na si Romualdez na magsalita kaugnay sa anomalya at wala rin itong pagtanggi sa pagkakasangkot sa isyu.
Binanatan din ni Marcoleta si Lacson dahil sa halip na magpatawag na agad ng pagdinig ay marami pang hinihinging kondisyon bago maipagtuloy ang pagdinig.
