dzme1530.ph

SANDIGANBAYAN, NAGSAGAWA NG CLOSED-DOOR HEARING SA HILING NA PRELIMINARY HOLD DEPARTURE ORDER LABAN KAY SEN. CHIZ ESCUDERO

Loading

Nagsagawa ang Sandiganbayan ng closed-door hearing sa hiling ng Office of the Ombudsman na huwag payagang lumabas ng bansa si Senator Francis “Chiz” Escudero at negosyanteng si Maynard Ngu.

Ito ay habang gumugulong ang imbestigasyon sa umano’y kinasasangkutan nilang flood control kickback scheme.

Inatasan ng Sixth Division ng anti-graft court na pinamumunuan ni Associate Justice Sarah Fernandez ang non-parties sa ex parte application na lumabas ng courtroom habang dinidetermina kung may probable cause na mag-isyu ng preliminary hold departure order laban kina Escudero at Ngu.

Paliwanag ni Fernandez, iniingatan lamang nila na maiwasan ang spoilage of evidence kung bubuksan sa lahat ang hearing.

Batay sa verified ex parte application ng Ombudsman, posibleng maharap ang dating Senate President sa mga kasong plunder, graft, at indirect bribery.

About The Author