![]()
May malakihang rollback sa presyo ng diesel at kerosene bukas, subalit tataas ang gasolina, ayon sa Department of Energy (DOE).
Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na asahan ng mga consumer ang rollback na ₱12.94 kada litro ng diesel.
Matatapyasan din aniya ng ₱15.71 ang kada litro ng kerosene.
Gayunman, tataas ng ₱0.53 ang bawat litro ng gasolina.
