![]()
Aminado ang Philippine Chamber of Agriculture and Food Incorporated o PCAFI na posibleng bumaba ang produksyon ng palay na magiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng bigas.
Sa panayam ng DZME, Radyo TV, sinabi ni PCAFI President Danilo Fausto na bukod sa El Niño, nakakaapekto rin sa palay production ang pagtaas ng presyo ng diesel at maging ang kawalan ng suplay ng fertilizer.
Iginiit ni Fausto na dapat matutukan na rin ang produksyon ng organic fertilizer kapalit ng urea.
