dzme1530.ph

PERANG DUMALOY SA BANK ACCOUNTS NG MAG-ASAWANG VP SARA AT ATTY. MANS CARPIO, POSIBLENG MAS MALAKI PA SA P6.77-B

Loading

Hindi lamang P6.77-B ang perang dumaloy sa mga bank accounts ni Vice President Sara Duterte at kabiyak nito na si Atty. Mans Carpio.
 
Binigyan linaw ni Manila Cong. Joel Chua na ang P6.77-B ay halaga lamang ng “covered at suspicious” transactions na ini-report ng bangko sa Anti-Money Laundering Council o AMLC.
 
Tiyak umanong mas malaki ang kabuuhan nito kung isasama ang lahat ng deposito sa kanilang bank accounts na hindi sakop ng covered transaction.
 
Ang covered transaction paglilinaw ni Chua, ay P500,000 pataas na obligadong i-report ng bangko sa AMLC, pero ang mas mababa dito deposito man o withdrawal ay hindi na inire-report.
 
Ayon sa AMLC na linked si VP Sara at Atty. Mans Carpio sa 663 bank transactions, 630 nito ay covered o 500 thousand pataas ang involve na halaga, habang may 33 na suspicious na ang total amount ay P6.77-B.
 
Sa halagang yan, P4.42-B ay inflows o deniposito, P1.55-B ay outflows o winidraw, habang may P791.1-M na classified bilang undermined.

About The Author