![]()
Sasampahan ng criminal complaint ng mister ni Vice President Sara Duterte ngayong Lunes ang mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Anti-Money Laundering Council (AMLC), at mga miyembro ng House Committee on Justice.
Dahil umano sa paglabag sa Anti-Money Laundering Act (AMLA), Bank Secrecy Laws, at Data Privacy Act.
Sa statement kahapon, sinabi ng legal team ni Atty. Manases “Mans” Carpio na ibinunyag umano nina BSP Governor Eli Remolona Jr., AMLC Executive Director Ronel Buenaventura, at House Justice panel members Gerville Luistro, Percival Cendaña, Chel Diokno, at Leila de Lima ang confidential banking records.
Binigyang-diin ng mga abogado ni Carpio na ang mga naturang records ay protektado sa ilalim ng AMLA, Bank Secrecy Law, at Data Privacy Act.
Nakasad din sa statement na hakbang ni Carpio para sa depensa ay hindi lamang para sa kanyang misis at sa pamilya Duterte, kundi pati na rin sa banking and financial community, lalo na ang walang malay na publiko.
