![]()
Kinumpirma ng International Criminal Court (ICC) ang kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng mga pagpaslang sa kanyang kampanya kontra droga, mula noong alkalde pa siya ng Davao City hanggang sa kanyang panunungkulan bilang pangulo.
Sa 50-page na dokumento, ipinag-utos ng ICC Pre-Trial Chamber I na isailalim si Duterte sa paglilitis, at inatasan ang court registrar na i-transmit ang confirmation of charges at mga rekord ng pagdinig.
Inilabas ang desisyon isang araw matapos ibasura ng Appeals Chamber of the International Criminal Court ang apela ni Duterte hinggil sa hurisdiksyon ng ICC—isang isyung kinuwestyon ng kanyang kampo.
Nagpasya rin ang Appeals Chamber na ang kahilingan ni Duterte para makalaya ay “moot” o wala nang saysay.
