dzme1530.ph

NAGA CITY MAYOR LENI ROBREDO, IGINIIT NA WALANG “SAVIOR” SA POLITIKA

Loading

Hinimok ni dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo ang publiko na tigilan na ang paghahanap ng savior o tagapagligtas pagdating sa politika.
 
Kasunod ito ng pag-amin ni Robredo na hindi siya interesadong tumakbo sa anumang national position sa 2028 elections.
 
Sinabi ng dating Bise Presidente na dapat nang alisin ng mga Pilipino ang paniniwala na mayroong isang savior dahil wala namang ganito, at walang monopolyo ng kakayahan.
 
Idinagdag ni Robredo na batid niya ang kanyang limitasyon at parang mas bagay talaga siya sa lokal.
 
Aminado rin ang alkalde na mahina siya sa politika, at marami siyang hindi alam sa trabaho at hindi kayang gawin pero masipag siya.

About The Author