![]()
IGINIIT ni Senador Rodante Marcoleta na dapat obligahin ng gobyerno ang mga oil companies na mag-refund sa mga customers sa sandalimng mapatunayang minanipula ang presyo ng kanilang mga produkto.
Sinabi ni Marcoleta na ito ang pinakapraktikal at pinakamakatwirang paraan upang maibalik sa consumers ang labis-labis na singil.
Ipinaalala ni Marcoleta na matagal na niyang sinasabi na kumikita ang mga kumpanya ng langis ng P3 bilyon kada araw dahil maaga silang nagtaas ng presyo sa mga nakaimbak pa nilang petrolyo.
Kung hindi anay totoo, tanong ni Marcoleta kung bakit hindi ito kinontra ng mga oil companies at maging ng Department of Energy.
Iminungkahi ni Marcoleta na magpulong na ang Joint Congressional Energcy Commission upang maobliga ang mga kumpanya ng langis na buksan ang kanilang records at magpaliwanag sa 100 percent na agad na pagtataas ng kanilang presyo dalawang linggo mula nang magsimula ang gyera sa Middle East.
