dzme1530.ph

DESISYON NG ICC SA HURISDIKSYON SA KASO NI DATING PANGULONG DUTERTE, POSIBLENG MAGPAHINA SA SOBERANYA NG BANSA

Loading

DISMAYADO si Senador Imee Marcos sa pinakahuling desisyon ng International Criminal Court o ICC na naninidigan sa hurisdiksyon sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Iginiit ni Marcos na ang naturang hakbang ay patunay na hindi kinikilala ng ICC ang pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute, noong 2019.
 
Ayon sa senadora, ang desisyon ay maaaring magdulot ng paghina sa prinsipyo ng pambansang soberanya, gayundin sa paninindigan na dapat unahin ang mga lokal na institusyon ng hustisya kung ang mga ito ay may kakayahan at kahandaang kumilos.
 
Nagbubukas din anya ito ng ng seryosong usapin hinggil sa paggalang sa soberanya ng bansa at sa tamang hangganan ng kapangyarihan ng mga internasyonal na hukuman.
 
Iginiit din ng senadora na ang paghahanap ng katarungan ay dapat isagawa alinsunod sa Saligang Batas ng Pilipinas, umiiral na mga batas, at sa integridad ng sariling Judicial system ng bansa.

About The Author