![]()
HINIMOK ni Senador JV Ejercito sina dating House Speaker Martin Romualdez at dating Cong. Zaldy Co na magharap sa imbestigasyon kaugnay sa anomalya sa flood control projects.
Sinabi ni Ejercito na dahil kapwa nagtuturuan na mastermind ang dalawa ay mas magandang mag-face off sila kasama ang iba pang mga resource person sa Senate Blue Ribbon Committee.
Dapat anyang sabihin nila ang lahat ng kanilang nalalaman at pangalanan din ang iba pang sangkot sa anomalya kasama na ang mga congtractor o mga kongresistang contractor na anya’y pasimuno ng anomalya.
Iginiit ng senador na dapat na matunton ang mastermind na nagsimula sa modus na ito dahil galit na ang taumbayan at dapat na mapanagot ang may kasalanan.
Sinabi pa ng senador na posibleng marami ang ayaw mapauwi sa Pilipinas si Co dahil tiyak na marami siyang idadawit.
