dzme1530.ph

HOUSE JUSTICE PANEL, HINDI TUMATANGGAP NG “FACE VALUE” SA IMPEACHMENT PROCESS

Loading

Kinundina ni Batangas Rep. Gerville Luistro si VP Sara Duterte sa pagbibigay nito ng halaga para sagutin ang college life nito sa halip na money issues.

Pinuna rin ni Luistro ang pagsagot nito sa isyu ng impeachment sa paraan ng press release na labas sa hurisdiksyon ng Committee on Justice na siyang proper venue.

Nilinaw pa ni Luistro na hindi nila tinatanggap ang “face value” kundi testimonya, ebidensya at dokumento.

Halimbawa nito ang testimonya ni Ramil Madriaga, ang dokumento ng COA, NBI findings at PSA certifications ay dumaan lahat sa mabusising ebalwasyon.

Aniya, lahat ng ito ay humarap sa komite, pinanumpaan ang mga sinabi at testimonya, at sumagot nang personal sa mga tanong at paglilinaw.

About The Author