![]()
Ayaw magkomento ng Czech authorities sa iniulat na pagkulong kay dating Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co matapos maaresto noong Huwebes.
Sinabi ng head ng press department of the Police ng Czech Republic na hindi makapagbibigay ng impormasyon ang Czech police sa anumang partikular na kaso.
Ang Czech Ministry of Justice umano ang maaaring mayroong komento sa naturang usapin.
Inihayag naman ng Czech Justice Ministry na nakikipag-ugnayan pa sila sa Ministry of the Interior at sa Police of the Czech Republic.
Ipinaliwanag ng spokesperson ng Justice Ministry na hangga’t hindi beripikado ang current status ng kaso ay hindi sila magbibigay ng anumang impormasyon.
Sa European Union, mahigpit na pinoprotektahan ang data at personal privacy sa ilalim ng General Data Protection Regulation, na ipinatutupad simula 2018.
Si Co na iniuugnay sa kickbacks mula sa flood control projects at sa bilyun-bilyong pisong insertions sa national budget ay nahaharap sa graft at malversation charges sa Sandiganbayan.
