dzme1530.ph

ORGANISADONG GRUPO NA KONEKTADO KAY VP SARA, PINANINIWALAANG NASA LIKOD NG MALING PAGLUSTAY SA CONFIDENTIAL FUNDS

Loading

Posibleng may organisadong grupo na konektado kay VP Sara Duterte ang nasa likod ng maling paglustay sa confidential funds.
 
Sa testimonya at supplemental affidavit ni Ramil Madriaga, tinukoy nito ang Inday Sara Is My President o ISIP Pilipinas bilang posibleng nakinabang sa confidential funds.
 
Tinitingnan ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon ang dalawang tao na pinangalanan ni Madriaga gaya ni Atty. Ryan Quilala at Atty. Reynold Munsayac.
 
Si Quilala na dating special prosecutor sa Office of the Ombudsman ay dating propesor ni Sara sa San Sebastian College of Law, habang si Munsayac ay former OVP spokesperson.
 
Nais malaman ni Ridon ang kuwento o denial ng dalawang personalidad na ito, dahil lumilitaw na sina Quilala at Munsayac ay kapwa may mahalagang papel sa bise presidente.
 
Kapansin-pansin kay Ridon na halos isang linggo na ang dumaan, pero wala pa ring sagot o denial ang dalawang pangalan na tinukoy ni Madriaga.

About The Author