![]()
Hinimok ni dating Integrated Bar of the Philippines o IBP National President Atty. Domingo Cayosa si Vice President Sara Duterte na harapin na niya ang impeachment process.
Sa panayam ng DZME Radyo TV, sinabi ng constitutional law expert na si Cayosa na dapat sagutin punto por punto ng bise presidente ang mga alegasyon laban sa kanya sa Kongreso.
Sinabi ni Cayosa na ang paulit-ulit na pagdulog sa Korte Suprema ay hindi nakakatulong sa bise presidente.
Ipinaliwanag ni Cayosa na hindi patas na ang mga tumetestigo laban sa bise presidente ay nagsasalita under oath habang ang mga kaalyado at mismong si VP Sara ay sa labas lamang nagbibigay ng mga pahayag.
Naniniwala rin si Cayosa na may malaking epekto sa impeachment ang mga pahayag ni Ramil Madriaga kaugnay sa mga deposito sa bank accounts nito.
