![]()
NAGHAHANDA na ang Senado sa posibleng pag-akyat sa kanila ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Katunayan ay nagpulong ang Senate Majority bloc sa pangunguna ni Senate President Vicente Tito Sotto III upang pag-usapan ang kanilang magiging mga trabaho sa mga susunod na mga buwan.
Sinabi ni Sotto na mas makabubuti kung pare-pareho ang paghahanda ng mga senador sa magiging papel nila bilang senator judges.
Siya mismo anya ay sumasailalim na sa CRASR program kaugnay sa rules of court na paiiralin sa impeachment trial kasabay ng sariling rules ng Senado.
Kinumpirma naman nina Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, Senador Sherwin Gatchalian at Senador JV Ejercito na napag-usapan sa pulong ang pagkonsulta sa mga kaibigan na abogado art mga mahistrado para sa paghahanda.
Kasama rin sa tinalakay ang posibleng schedule ng Senado para sa impeachment trial, mga plenary session, committee hearings at mga imbestigasyon.
Sinabi ni Lacson na hinikayat na rin niya si Sotto na paghandaan ang posibleng pag-usbong nga iba pang usapin tulad ng plano ni Senador Rodante Marcoleta na kwestyunin ang pagsasagawa ng impeachment trial.
