dzme1530.ph

PUGANTENG NEGOSYANTE NA SI ATONG ANG, NAISPATAN SA CALABARZON REGION

Loading

Naispatan sa Region 4A o sa Calabarzon region ang puganteng negosyante na si Charlie Atong Ang, dalawang linggo na ang nakalilipas.
 
Ito ang inihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla kasabay ng paalala na may red notice na mula sa Interpol si Ang.
 
Sinabi ni Remulla na palipat-lipat ng hideouts ang negosyante kada tatlo hanggang limang araw upang makatakas.
 
Sa impormasyon ng kalihim, maliit na grupo lamang ang kasama ni Ang sa paglipat-lipat ng lugar.
 
Nilinaw ni Remulla na bagamat may impormasyon silang nakita si Ang sa Vietnam, hindi naman beripikado ang impormasyon.
 
Naniniwala anya ang mga awtoridad sa bansa na nasa Pilipinas pa rin si Ang at walang nakitang record ng pag-alis niya.

About The Author