![]()
Tumanggap ng nominasyon ang BTS sa American Music Awards (AMA) habang patuloy na namamayagpag sa global music charts ang kanilang latest album na “Arirang.”
Nominated ang K-pop group sa category na Artist of the Year sa AMA, na second nomination nila sa top category matapos tanghalin bilang first Korean act na nanalo ng award noong 2021.
Makakatapat ng BTS ang siyam na iba pang major global acts and artists, gaya nina Bad Bunny, Bruno Mars, Lady Gaga, at Taylor Swift.
Na-nominate din ang BTS sa dalawa pang additional categories sa AMA, bilang Best Male K-pop Artist at Song of the Summer para sa “Swim.”
Gaganapin ang awards ceremony sa May 25 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, USA.
