![]()
Naungkat sa public hearing ng LEAD Committee ang kahalagahan ng National ID para sa maayos na pagkakakilanlan sa pagbibigay ng ayuda.
Sa kainitan ng diskusyon kung paano ipinamamahagi ng DSWD, DOTr, DA at DOLE ang ayuda sa mga most affected sector ng Middle East conflict, inamin ng head of agencies na listahan ng mga beneficiaries ang pangunahing suliranin.
Dahil dyan inungkat ni Quezon City Rep. Franz Pumaren ang PSA kung ilan na ang naipamahaging physical national ID.
Gayun man, hindi agad nasagot ng PSA official ang tanong.
Hindi naiwasan ni Pumaren maging ng iba pang kongresista na pagalitan ang PSA dahil halos 10-taon na mula ng simulan ang national ID, subalit hanggan ngayon ay hindi pa rin ito natatapos.
Kalaunan sinabi ng PSA na 54-M na ang naipamagahing physical national ID, at kung isasama ang electronic ID nasa 94-M na lahat.
Gayun pa man, sinabi ni Pumaren na 110-M plus ang papulasyon at sa siyam na taon mula ng simulan ang programa, wala pa sa kalahati ang mabigyan ng physical ID.
