dzme1530.ph

LPGMA, AGAD IBABABA ANG PRESYO NG LPG SA SANDALING MAGKAROON NG PIRMADONG EO NG PANGULO

Loading

Ginarantiyahan ng Liquefied Petroleum Gas retailers na agad nilang ibaba ang presyo ng LPG sa oras na pirmahan ni PBBM ang executive order na magtatanggal o magbabawas sa excise tax sa cooking gas.
 
Ang garantiya ay ginawa ni former LPGMA Rep. Arnel Ty, sa LEAD Committee hearing.
 
Si Ty ay kumakatawan sa LPGMA na may control sa 15 to 25% ng LPG market sa buong bansa.
 
Aniya, agad-agad ibabawas nila sa presyo ng cooking gas o LPG ang 3-pesos excise tax na ipinapataw sa kanila, o katumbas ng P33 sa bawat 11-kilogram cylinder.
 
Pagsisiguro ni Ty, kung ano man ang mababawas na excise tax, at meron pa silang existing inventory, mababawi din nila ito sa susunod na supply kapag ibinalik na muli ang nasabing buwis.
 
Ayon pa kay Ty, simple lang naman na kung iutos ang pagtanggal o pagbawas ng buwis, dahil pwede naman nilang bawiin sa mga susunod na inventory ang nalugi lalo na kapag ibinalik na uli ang excise tax.
 
Kabaliktaran ito sa posisyon ng oil players na kailangan muna nilang ubusin ang stocks na bayad na ang excise tax.
 
Dahil sa pahayag ni Ty, binalingan ni LEAD chairperson Rep. Miro Quimbo si Department of Finance Undersecretary Rolando Ligon Jr. na tahasang sinabi na hindi agad mararamdaman ang pagbaba o pag-alis ng excise tax sa langis dahil kailangan muna nilang ubusin ang stocks na bayad na ang buwis.

About The Author