dzme1530.ph

MGA AHENSYA NG GOBYERNO, PINAGLALATAG NG RECOVERY PLAN KUNG MATAPOS NA ANG TENSYON SA MIDDLE EAST

Loading

PINAGLALATAG na ni Senate Protect Committee Chairman Sherwin Gatchalian ang mga ahensya ng gobyerno ng recovery plan sakaling matapos na ang digmaan sa Middle East.
 
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Protect Committee, sinabi ni Gatchalian na nasa 45th day na ang gulo sa Middle East at pinapadaan na ang mga barko papuntang Pilipinas sa Strait of Hormuz.
 
Iginiit ng senador na hindi sapat na nasa survival mode pa rin ang bansa at mas dapat na bumuo na ng mga plano upang makarecover agad ag ekonomiya.
 
Pinatitiyak ni Gatchalian na dapat hindi mapabayaan ang maliliit na negosyo at MSMEs sa recovery plan na ilalatag.
 
Samantala, iginiit ni Department of Economy, Planning and Development Secretary Arsenio Balisacan na mas mainam pa rin ang targeted subsidies sa halip na universal subsidy.
 
Isinusulong din ng DepDev ang paggamit ng lower standard fuels o lifting ng coal moratorium para sa renewable energy transition.

About The Author