dzme1530.ph

TUPAD-TULOY PASADA PROGRAM NG DOLE, UMARANGKADA NA

Loading

Umarangkada na ang “TUPAD Tuloy Pasada” program ng Department of Labor and Employment sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
 
Sa inisyal na implementasyon ng programa, 134 jeepney drivers na bumibiyahe sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ang makatatanggap ng 695 pesos kada araw.
 
Tatagal ang ayuda sa loob ng 30 araw.
 
Bukod pa ito sa regular na kita ng mga driver sa kanilang daily operations.
 
Ang talaan ng benepisyaryo ay mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board at dumaan sa balidasyon ng DOLE.
 
Target ng DOLE na masakop ng programa ang 50,000 na driver sa buong bansa.

About The Author