dzme1530.ph

DILG, KINUMPIRMANG KAMUNTIK NG MAARESTO SI ATONG ANG; PUGANTENG NEGOSYANTE, NASA PILIPINAS PA RIN

APAT NA DATING PNP OFFICERS, INIIMBESTIGAHAN DAHIL SA KAUGNAYAN KAY ATONG ANG

Loading

Kinumpirma ni Interior and Local Secretary Jonvic Remulla na nasa Pilipinas pa rin si Charlie “Atong” Ang na akusado sa pagkawala ng mga sabungero.
 
Sa katunayan sinabi ni Remulla na kamuntik nang maaresto si Ang sa isang operasyon subalit tumanggi itong tukuyin ang lokasyon.
 
Ayon sa kalihim, naglunsad ng operasyon ang mga awtoridad kahapon ng madaling araw matapos mamataan ang puganteng negosyante sa kanyang hideout.
 
Una nang inihayag ng DILG chief na batay sa intelligence report, nasa Vietnam si Ang, subalit sa mga impormasyong nakalap kamakailan ay nasa Pilipinas ang gambling tycoon.
 
Inisyuhan ng warrants of arrest si Ang at iba pang mga indibidwal dahil sa multiple counts ng kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention kaugnay ng missing sabungeros.

About The Author